7.08.2007

Bakit ganun? Sabi ni Ser Brazal...

...kapag barado ang puso, barado rin ang utak.

Tulad ngayon...hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko, kaya mabigat pakiramdam ng puso ko. Hindi ako tuloy makapag-isip nang kung anong matinong pwede kong maisulat dito.

"It does not have to be pretentious..." ang sabi ng aming butihing propesor sa pilosopiya.

Kaya ngayon, nagpapakatotoo ako.

Oo, namimiss ko sya, sobra sobra na nga eh, pero wala rin naman akong magawa, kasi malayo siya sa akin. Hindi ko alam kung walang katuturan ang pagdadahilan ko na nangungulila ako sa kanya, na hinahanap-hanap ko siya sa tuwina, kaya wala akong maisip na maisulat.

Ay...may nasulat ako. Magaling.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

aw. :( sad ca rin pala. at least you're still together. (ndi nga lang physically)

10:17 PM  

Post a Comment

<< Home