8.31.2005

"Masilayan"

Di mo na kailangan magalit pa
Wala ka namang mapapala
Bakit ka nga ba nagkakaganyan
Ano ba ang nagawa nila?

Ch1
Hindi matagpuan, masilayan
Ano nga ba'ng kailangan para masilungan
Hindi na dapat magluksa, magbuhos ng luha
Tumahan na at lumipad sa alapaap

Wala nang ibang magagawa
Pagpasensyahan na lang sila
Palipasin na lang ang tampuhan
Ibaon sa limot at galak

Ch2
Ganyan lang talaga kadalasan
Nakakaapura, nakakaasar
Salubungin ang liwanag, dala ng umaga
Tikman ang pag-asang taglay ng araw

Ch3
Hayaan lang dumaan ang tag-ulan
Sisikat din naman ang araw
Tumulo man ang luha, wag mabahala
Bahagharing walang kasing ganda'y masisilayan - 11:00 pm, 8/30/05

0 Comments:

Post a Comment

<< Home