5.06.2005

Habang atin ang gabi....

namumugto'ng 'yong mga mata
nais pa atang maglabas ng luha
hindi ko makalimutan pa
pangakong sa ati'y sariwa

hindi kailangang buhatin mag-isa
pasanin na sayo'y pampaluha
di mo ba makuha'ng puna
anghel na nasa tabi mo lang

hawakan mo'ng aking kamay
ibaling sa'kin ang lumbay
makikinig hanggang makatulog ka sa'king mga kamay
oras ay palilipasin
hindi tayo guguluhin
habang nasa atin ang gabi

hayaan mong ako'y pakinggan ka
alalayan ka sa 'yong pag-iisa
pakinggan ka sa 'yong problema
tulungang gumaan ang luksa

0 Comments:

Post a Comment

<< Home