5.10.2005

Torpe

I
ano ba ang dapat sabihin
kelangan ba talagang aminin
hindi kaya ako magmistulang tanga
ano kaya'ng aking mapapala

Pre-ch1
dehins ba nya nakikita
masilaya't madama man lang
bakit di n'ya maipinta
awit ng sa kanya'y humahanga

Chorus
Hindi ko na kayang itago pa sa'yo
Hindi ko mapigilang amining may kaba
Hayaan nang lumaya kahit sandali lang
Awitin ang dalangin ko para sa'yo

II
ilang oras na akong nag-iisip
ilang araw na rin ang umiidlip
hindi ko lang alam ang gagawin
hindi pipwedeng umasa na lang sa ngiti

Pre-ch2
hindi pa ba malinaw
kelangan ba akong magwala
kailan pa mapipinta
awitin ng sayo'y umaasa

0 Comments:

Post a Comment

<< Home